bakit nag ba ako ng blog ?? ano ba mapapala ko dito ?? ahaha .. actually kaya lang talaga ako ng blog para pampalipas oras .. ako nga pla si marck isang normal na bata mula sa pinas , 21 yrs old .. HRM student , mahilig mag internet , mahilig magbasa ng libro , tahimik , mahiyain , suplado yan ang madalas na sabihin ng ibang tao tungkol sa akin .. ganon lang naman ako sa mga taong di ko kakilala .. pero oras na makapalagayan kita ng loob basag na .. super baliktad .. maingay na ako , madami sinasabi may weird nga daw ako ee .. para daw ako may sariling mundo .. biglaang tatawa mag sasalita , tapos bigla tatahimik .. meron ata ako disorder ..
lahat naman ng tao my positive and negative sides .. tama?? well simulan natin sa POSITIVE : ahahah sabi nila ( ng mga tropa ko ) super bait ko daw (wew yabang ) well sila ng sabi nun .. ok sa ok .. as in pwede mo ko utusan lahat gagawin ko basta kaya ko .. ano pa ba ? kengkoy ako , sabi nila ako yung tropa na mapapatawa ka .. di ko lang alam kung dahil ba masayahin ako o muka ako tanga kaya sila natatawa .. magaling daw mkisama , maasahan , mapag kakatiwalaan , yan ay galing sa mga tropa ko .. ewan ko lang kung totoo .. ahahah .. after POSITIVE punta naman tayo sa NEGATIVE .. (parang mas madami ako masusulat dito aa ..) well 21 na ako so for me lang huh normal n siguro yung drinking and smoking .. ahahah DRIKING .. yes .. umiinom ako i consider myself as a moderate drinker ( sus ALAK pa !! ) ahah .. i also SMOKE .. siguro nakuha at natutunan ko ito .... teka saan nga ba ?
wew .. talambuhay ba ito ? 2nd year high school ako nang mag simula ang aking bisyo .. bakit?? di ko rin alam marahil dala ng pag eexplore .. 2nd year high school ako natutunan ko wag pumasok .. naka uniform pero hindi sa school ang tuloy .. pumasok man ako sa loob ng school ee di rin ako nagtatagal .. tipong hahanap ng kakilala , tatambay sa bleachers at sabay sabay na tatalon sa bakod .. ahahah then hello YOSI .. naalala ko pa na bumili ako ng half pack ng YOSI para mag praktis ahahah .. after nun kinabukasan hello sakit sa lalamunan .. ahahah .. teh after ni yosi hello ALAK naman .. ambagan then INOM .. ahahah uuwing sabog ee since wala naman ako kasama sa bahay OK lng na umuwi ng ganon ..
so anong meron bakit ko nilagay ang BISYO ko?? hindi para ipag malaki sa makakbasa (as if meron magbabasa nito ) kung di para malaman na hindi ka COOL pag natuto ka mg YOSI at UMINOM .. at first oo mag eenjoy ka pero after wala na .. walang maitutulong ang BISYO .. ok lng n tumikim pero wag ka mahuhumaling dahil pag dating sa huli ikaw din ang kawawa .. mahihirapan ka lang umiwas ..ok hanggang sa susunod na blog ..
-iMak

No comments:
Post a Comment